I love you. But I wish I never learned to.: Confessions of an IAC student: Buwis buhay
Much will be said. Bakit ngayon pa bumagsak? Bakit ngayong last semester na? Siguro, walang makakaunawa kung gaano kahirap ang pinagdaanan naming lahat, ng bawat graduating student ng UST-AMV College of Accountancy kundi kami-kami lang din. Di naman kasi to nararanasan ng mga magulang namin, ng mga kaibigan namin. At kulang pa ang mga salita para idescribe kung gaano kahirap at kapagod ang IAC na to.
Hindi nila malalaman kung gaano kainit sa mga classrooms, sobrang wala nang pakialam sa lesson dahil busy ang lahat kapapaypay. Kung gaano nagkakaubusan ng mga upuan lalo na kapag may mga buraot na magsisit in na nga lang, yung mga taga-section na yun pa ang nawawalan ng upuan. Kung gaano kahirap ang gumising sa umaga para sa 8am class. Hindi nila mararanasan kung gaano kahectic ang 8-5 schedule, 1 hour para maglunch tapos pagdating sa bahay, pahinga ng konti, freshen up tapos labas ulit para mag-aral. Hindi nila malalaman kung gaano na tayo nagpapalpitate sa dami ng kapeng iniinom gabi-gabi. Kung gaano na natin napapanaginipan yang Law on Sales, VAT, at Business Combi na yan. Hindi nila malalaman kung gaano natin nilalaan ang bawat Friday night at weekends natin para mag-aral, habang yung iba eh nasa beach, nagpaparty, nagiinom. Kung gaano kagusto mong sumama sa mga yaya ng mga kaibigan mo pero kailangan mong mag-aral. Yung sobrang loser mo na talaga kasi wala kang social life. Yung bawat end ng classes, magdadagsa kaming lahat sa UST church, parang nagrerecollection lang kaming lahat, pare-parehong pinagdadasal na malampasan na ang pinakamadugong semester na to. Yung kabang nararamdaman tuwing may exam. At lalong lalo na yung kabang nararamdaman bago malaman ang results. Yung todo compute kung ilan pa ang kailangan mo sa susunod na exam, kung babagsak ka na ba o hindi, naghihintay ng himalang transmutation. Yung tipong nagkandaubos-ubos na yung pera mo kakaaral sa Starbucks, Mcdo, at kung saan saan pa para lang hindi matempt ng kama sa bahay. Yung ilang extra joss, lipovitan, red bull, cobra, sting at kung anu-ano pang nilaklak mo para di makatulog. Yung bangag na bangag ka pagpasok mo ng school, pero okay lang kasi pare-pareho naman kayo. Naubos na allowance mo kakabayad ng mga handouts at kakapaphotocopy ng kung anu-anong reviewers ng iba’t ibang authors at iba’t bang review schools, kahit alam mo namang di mo maaaral ang lahat ng yon. Yung kahit doblehin mo yung efforts mo, di pa rin nagbabago scores mo. Yung ilang beses kang umiyak ng balde balde dahil hirap na hirap ka na.
At hindi nila malalaman kung gaano mo inaral ang lahat ng makakaya at ibinigay ang lahat sa bawat exam, pero kulang pa din. Kung gaano kaakala mong sobrang lapit mo na sa Graduation, pero hindi pa din pala. Akala mo mapapasaya mo na ng lubusan yung mga magulang mo. Akala mo abot kamay mo na, pero hindi pa din pala.
Ganito kami ng limang linggo. Limang linggo ng buhay namin kung saan nagsasaya at nagpapakasarap sana kami. Pero hindi. Pero tinanggap naming ganito ang kapalaran namin sa AMV.
Lahat ng ito, may hangganan. Lahat ng ito ay magiging makabuluhan. Kaya kapit lang. Tiwala lang, mga kaibigan.
Congratulations sa lahat ng pumasa! Galingan sa boards. At sa hindi, walang susuko! Hindi ganyan ang Tomasino. Ika nga, “what doesn’t kill you makes you stronger.” Laban lang ng laban. Dahil sa AMV, walang hindi matibay ang kalooban :)
(Source: catching-everlark)
Obama: In the same day he declares his support for same-sex marriage he also declares he is a Coulson fan boy.
Winner.
invade britain when you want mr president. i’ll leave the door open
Dear America: KEPP HIM AS PRESIDENT! JUST KEEP HIM!
(Source: somethingveryodd, via severusalways)
(Source: wolfmantooth)

Graphic Artist. Harry Potter Fan. Thomasian. Filipino. Accountancy Student. Certified ASSET!
Subscribe via RSS.

